Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryFeb 24, '08 7:00 PM
for everyone

Right now GMA is on tv addressing an audience consisting of Speaker Nograles, some of her children; and a few supporters. Is it just me? I hear nothing but obscene groans. I don't remember exactly when I've stopped listening to her. All I knoow is that deconstructing PGMA's speech is, potentially, the greatest disservice to Derrida's legacy (never mind if decons' last hooray was never really clear).

What preoccupies me, however, is this sms I got from a college acquaintance/friend (A/F) (because I don't want to discount the possibility that we might have been friends at some point. I used to be this eeky populist, as Arnold correctly remembers."Parang carenderiang bukas sa lahat ng gustong kumain." Just because I was often told to be friendly to the other kids in the playground back in kindergarten.


A/F identified himself and told me this:


Hey, saw you on TV with your anti-GMA friends. I'm surprised that you are still at it pala.

It meaning? I asked.

A/F replied: Activism, ano pa?!

Pissed, I retorted: I see. I'm not surprised that you are surprised. You were always the  2-ambitious-but-not-smart-enough type. And now, I have reason to believe that you still are.

End of exchange.

So plugged-in lang ito sa dominant ideology na ikinagugulat niya ang pagiging aktibista ng mga aktibistang katulad ko kahit pa sa panahon ni GMA.

One owns up to one's belief, if he is ethical. One defends a belief to assert its moral dimension. But to assume that one's belief is shared by all and to be surprised when others demonstrate the opposite is very naive. Not only is this a symptom of naivete  but of unbridled narcissism. But this guy doesn't even know he believes in something so that counter-hegemonic acts surprise him.

Ang problema dito sa mga hindi aktibista na ito o sa ibang dating aktibista ang akala nila ang may belief lang yung mga aktibista at sila "normal." Either they would have others believe for them ("Ok naman yung aktibismo pero di yan para sa kin, yung iba na lang na mas bagay sa kanila." These types often condescend and/or exoticize the activist; or the activist exist to affirm their triumphalist identification to the hegemonic order (Tibak pa rin ba yun? Tapos na kasi ako jan eh). Pwede ring magkombina ang dalawa hanggang sa mainis na lang ako ng mainis.

Naiinis ako hindi pa dahil sa aktibista ako, pinalaki lang talaga akong pala-inis. Kahit naman nung bata pa ko libangan ko na ang mainis at ikwento sa iba kung bakit nakakainis si ganito, si ganyan tapos tawa lang kami ng tawa kasi masarap naman talagang laitin ang mga kinaiinisan.

Pero ang pinakakinaiinisan ko talaga yung ikalawang tipo sa nabanggit ko sa itaas. Yung mga "been there, done that mode." Na para bang pag kausap ka eh gustong palabasin na may nalampasan siya na hindi mo malampas-lampasan. Na para bang may narealize siya na di mo marealize-realize dahil sa pagkahumaling mo sa kilusan. Tse. Kapag nakakatagpo ako ng mga ganito ang gusto ko lang talagang sabihin na hindi ko na lang sinasabi kasi di naman ako ganoon kabalajura sa personal (kung blog at text walang preno-preno), "Excuse me, you do not know where I'm at (pantapat sa been there) and you don't know what I do" (pangontra sa done that). Kaya ako naiinis kasi ang assumption ng ganitong moda ay pareho kami. Kung anong karanasan ko, naranasan na niya. Hindi lang sa nakiki-level ang mga hitad na ito, meron pa silang suspicion na mas magaling sila. "Huwag na huwag mong sasabihin" ika nga ni Kitchie dahil pag sinabi mo yan o kahit sinenyas lang ng mga salita o kahit gestures lang (chika!) ay ilulugar kita, dong." Charoz.


Kaya dun sa nagtext sa akin kanina, hindi na mahalaga kung mabasa mo ito o hindi. Tutal naman yung Big Other ang tunay na target ko nitong entry na ito kasi sa kanya laging darating ang liham (pasintabi kay Lacan). Hindi naman talaga ako inis sayo dahi di ka naman yung ikalawang tipo. Kung nasaktan ka sa sinabi ko, palampasin mo na, huwag ka nang maapektuhan dahil malamang sa hindi, mas malaki kita mo sa akin. At malamang sa hindi, yun naman ang sukatan mo ng halaga. Maliit lang ang  kita ko kaya  wala naman dapat halaga sayo ang mga sinasabi ko, kahit tunog mabigat pa. Hindi ko pinagsisisihan na sinabi ko ang mga nasabi ko. Dahil hindi ko iniisip na hindi mo naman ginusto na ganyan kang mag-isip. Mas mapanlait ang ganong punto. Sa akin, di mo man lubusan kontrolado ang mga kundisyon ng pagiral mo sa lipunan, inangkin mo at patuloy mong inaangkin kung sino ka. Kaya ikaw lang at wala na akong ibang matatalakan pa kung nainis ako sa iyo.  Kung nagngingitngit ka dahil sa loob-loob mo malayo naman sa gusto mong sabihin ang sinasabi kong ibig mong sabihin, tigilan mo na. Walang kang kontrol sa epekto ng iyong mga salita. At walang ibang aako noon kundi ikaw. Ngayon kung ayaw mong akuin, isusumbat ko pa rin sa 'yo. Ang tawag doon ay tunggalian. Hindi mo man kilalanin ay yun iyon. Hindi mo rin kailangang bawiin ang sinabi mo, ni magpaumanhin  dahil lang madaldal akong mainis at ayaw mo nang  ganon. Siyempre, magpaumanhin ka o hindi, panghahawakan ko ang iyong mga salita at ang mga implikasyon nito laban sa iyo. Pero hindi naman yan permanente. Siguro may mga usapin na makakahanap tayo ng pagkakapareho at pwede tayong magkaisa. Pero ang pagkakataong ito ay hindi iyon. Huwag mo na akong i-text ha? Bye, see you in your next life.


7 Comments
missina wrote on Feb 24, '08, edited on Feb 24, '08
tama si papa a., marzy. meron ngang panahon in our childhood na OA ka lang makipag-friends sa lahat. and i mean lahat. walang pinipili. that explains why there are people who think they're your friends, but you don't think they're your friends. charoooooz.
sarahraymundo wrote on Feb 25, '08
Oo nga at di mo man lang ako inawat, ni pinuna. di ko naman masingil si arnold dahil RJ pa sha non, haha! I wish I were more antipatika like you were back then, wahaha! wehe, si ina, supladita! aminin mo yan madz, nangwawarla ka sa recitation! pati yung queen of criticism binanatan mo sa sarili niyang teritoryo--oy malaki na tayo non ah. punk ka lang marzy.
sarahraymundo wrote on Feb 25, '08
and one more thing, atin-atin na lang yung mga nandun sa basket namay label na "but I don't think they are my friends" ha.
missina wrote on Feb 25, '08
hahahaha! true marzy. wala lang pakundangan ang dugo ng tita angela mong nananalaytay sa aking mga ugattttt. maganda ang question ni larry sa'kin mga 3 years ago, na feeling ko'y ang premise rin ay ang aking pagka-antipatika: kapatid, should i start choosing my friends?

ina's answer: of course! because very few are in fact worthy.

charoooooz.

(ikaw rin ha, secreth and rotten eggs in the basket of friendship. mwahaha!)
afangkista wrote on Feb 25, '08
Kahit naman nung bata pa ko libangan ko na ang mainis at ikwento sa iba kung bakit nakakainis si ganito, si ganyan tapos tawa lang kami ng tawa kasi masarap naman talagang laitin ang mga kinaiinisan.
ahahaha! nai-imagine kitang mag-kwento habang nanlalaki yung butas ng ilong mo at nagbubutil-butil sa pawis ang noo mo.
ahahahah!
afangkista wrote on Feb 25, '08
"Excuse me, you do not know where I'm at (pantapat sa been there) and you don't know what I do" (pangontra sa done that). Kaya ako naiinis kasi ang assumption ng ganitong moda ay pareho kami. Kung anong karanasan ko, naranasan na niya. Hindi lang sa nakiki-level ang mga hitad na ito, meron pa silang suspicion na mas magaling sila. "Huwag na huwag mong sasabihin" ika nga ni Kitchie dahil pag sinabi mo yan o kahit sinenyas lang ng mga salita o kahit gestures lang (chika!) ay ilulugar kita, dong." Charoz.
parang sa dulo ng mga linyang ito babagay yung "garrrr!!!" (with the kalmot gesture). eheheheh! madz, punas ng pawis sa noo. ahahaha!
ang blood pressure....
;P
sarahraymundo wrote on Feb 26, '08
shet afan, ayan ka na naman! naalala ko tuloy ang sinapit natin sa senado noong set. 9, 2003! ganito rin yun eh, nangchachaka tayo tapos after an hour pinagwawafaz lang tayo ng senate guards! my gad! nakulong ka ba non? shempre pinababa ko si arnold sa police car at nagtatatakbo lang kami papunta doon sa tapat ng carnival! at nagpramis tayo noon na ayaw na nanting manlait ng ibang tao but no. walang nagbago. taragis kasi ng chaka na yan di pa rin naman sila nagbabago kaya nachahaka sila eh. tas tayo ang nakakarma. imbey!
Add a Comment